Magandang Huwebes mg aka LP! Nais ko lang ibalita na nakuha ko na ang akng t-shirt na pinagawa sa LP, bagamat malaki siya para sa small size...masaya ako at mayroon akong tshirt na ito!!! Sana makabili na ako ng pinapangarap kong SLR para maging kagaya ninyong maganda angpagkuha nglitrato! ehehhehe Yan ay isa sa aking misyon! Pero sa ngayun ang aking misyon ay maihanda ang aking panganay na anak sa kanyang uang klase blangisang tunay at ganap na nursery. Siya ay nagsaling-pusa noong nakaraang taon ngunit ito talaga ang pinaka unang totoong pasok nya kaya naman nais kong maging handa na sya sa paggising ng maaga. Bagamat' sa sususnod na lingo pa ang pasok nya, sinimulan ko na syang gisngin ng alas-sais y media ng umaga. Upang hindi sya mainip, dinadala ko sya sa labas ng bahay upang mag bike muna habang ako ay nag ja jogging naman. Sana nga lang ay handa na siya sa pasukan sapagkat ang mg gamit nya ay handa na din.

Ating ibahagi ang ating misyon, sumali na sa LP!!
























