Wednesday, May 6, 2009

LP : Simula Pa Lamang at Ang Tulay

Napakaganda ng temang ito para sa akin....simula pa lamang......napakadaming ibig sabihin..madami ang dumapo sa aking isipan para sa temang ito, ang aking anak na magsisimula pa lamang sa pag-aaral, simula din ng isang mabigat na responsibilidad para sa aming mag asawa. Sa lahat ng yan na aking naisip, ito ang aking pinakanais ibahagi. Ang pagsimula ng isang bagong araw, isa na namang pag asa, isa na namang buhay ang ipinagkaloob ng ating panginoon. Sa bawat umagang dumarating, para sa akin ito'y isang simula pa lamang, simula pa lamang ng bagong pagsubok na darating

"Bukang Liwayway"
Kuha ang larawang ito sa taas ng Bundok Sembrano noong buwan ng Marso. Ito ang kauna-unahang akyat ko ng bundok at muling kita sa napagandang bukang liwayway.

"Tulay sa Daranak Falls"
Ito naman po ay kuha sa parehong araw, pag baba namin ng bundok at tumuloy kame sa isang malapit na falls sa Rizal kung tawagin ay Daranak Falls. Napakasarap na karanasan, isang di ko makakalimutang kasaysayan sa buhay ko sapagkat ito ay unangpag akyat ngbundok at unang pagligo sa fall.

Maligayang LP!!!!

15 comments:

LaaGpayImo said...

ang ganda ganda ng iyong bukang liwayway :-)
di ko pa naranasan ang umakyat ng bundok..heheh madami yata akong na miss.

www.laagansagayud.com

Marites said...

ibang klase talaga ang feeling pagkatapos maka-akyat ng bundok:) bukod pa sa maganda ang tanawin sa itaas, isang malaking tagumpay ang feeling pagkatapos. ganda ng bukang-liwayway mo. maligayang LP!

Yami said...

Hi. Ganda ng post mo. Picture #1 is full of hope. Pic #2 naman shows camaraderie.

I wish I could join LP, too. :)

kiwipinoy said...

malamang mahanog na hamog ang unagang yan.

Eds said...

Napaka gandang entry sis!

Mine is up too:

http://www.mypreciousniche.com/2009/05/litratong-pinoy-simula-pa-lamang.html

Yami said...

Naihabol ko rin. Here's my first entry for LP:
http://penname30.blogspot.com/2009/05/pahabol-na-entry-para-sa-litratong.html

-mopher- said...

ang ganda ng bukang liwayway..nakakatuwa.

ces said...

ganda! 2 in 1!:)
spiCes

MrsPartyGirl said...

dati akong namumundok pero feeling ko wala na akong stamina ngayon hehehe! dating pasyalan ng aking pamilya ang daranak falls, ang tagal ko nang hindi nakakapunta diyan, hindi ko na rin alam kung ano ang itsura hehe!

salamat sa pagbisita sa aking LP entry, pareho tayong namakyaw ng themes hehehe! :D

Ria said...

napakaganda naman ng naisip mo...tunay na ang bukang liwayway ay simula pa lang. ang maganda pa dun ay araw araw pwede uli tayo magsimula, diba?

ang akin ay andito: www.yapatoots.com :-) kita kits uli!

agent112778 said...

nice pix, lalo na yung nasa una

sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

♥peachkins♥ said...

I love the first photo. Simula ng bagong araw..

Thess said...

Jes, gusto ko yung bukang liwayway mo! 19kopongkopong pa huling pamumundok ko...aliw naman yang 2nd shot!

Thesserie.com

emarene said...

worth all the pagod ang pag akyat sa bundok pag yung nasa unang litrato naman ang makikita ko. Ang ganda.

Salamat sa pag bisita.

Tes Tirol said...

matagal na akong di nakakaakyat ng bundok... wala pang digicam nun LOL mapalad ka at nakakuha ka ng litrato ng bukang liwayway... :D

hapi lp!