Thursday, May 28, 2009

LP : Alam mo ba?

Sa mga amiga ko sa blogspot, pasensya na klung hindi ako nakakdalaw sanyu nitong mg anakraang araw, sapag kata ako'y bisi-bisihan sa aking bahay at nasira po ang aking kompyuter ng 3 araw, kakaayus lamang kagabi. Sakto para sa LP...kaya narito ang aking lahok....
Alam mo ba na hindi ako nagluluto sa amin bilang isang asawa't ina ng tahanan? Nakakahiya man aminin pero hindi ako marunong magluto. Pero ang mas nakakatuwa duna ay.....ALAM MO bang nagluto ako noong nakaraang linggo?!?

Sahog sa Ginisang Monggo

OO..nagluto ako at nakakatuwa na kahit papaanu ay may kumain ng niluto ko! Aba nakakalungkot naman kung pinaghirapan kong lutuin tapos walang kakain di ba? Salamat kay Enchie sa pagturo ng ilang mga tips sa paggisa nmg mongo. Iyan kasi ang una ko ng niluto nungnakaraang linggo. Ako ang naatasang magluto sapagkat wala ang nakasanayan naming tagaluto sa bahay ng buong linggo. Nasiyahan naman ako sa pagluluto, yan ang nais ng aking asawa, ang matutunan kong magluto. Hay....hirap palang magluto ano? =)

8 comments:

linnor said...

ok lang yan. atin atin lang.... ako din di nagluluto. :)

Marites said...

marunong ako pero tamad naman hehehehe! lahat kasi sa amin, nagluluto kaya sila nalang ang pinapaluto ko :) paborito ko iyang monggo.

Thess said...

Ang sarap, monggo!! I'm sure umpisa na yan ng kitchen career mo :)

Happy LP!

www.thesserie.com

Mylene said...

Masarap ang monggo at masustansiya pa. Ito ay mabuti para sa mga bata sapagkat ito ay pagkain ng utak.

Yami said...

Matututo ka rin, praktis lang Jes. nagustuhan ng pamilya mo ibig sabihin may talent ka sa pagluluto, kailangan mo lang i-hone...ganyan din ako nung kasama ko pa nanay ko eh nung kami-kami na lang at wala na akong julalay sa bahay. natuto ang lola mo. sample ng luto ko halimbawa ay sinigang na ulo sa miso. ang husga ng asawa ko: pwede ka pa lang magtayo ng karinderya sa harapan ng bahay natin. sarap daw kasi, di ba naman. :-)

wala pa pala akong lahok, sis.

Azumi's Mom ★ said...

waw.. ibig mo bang sabihin hindi ka talaga marunong magluto? ako nito pa lang natututo kasi kailangan eh.. mukhang masarap naman siguro ang inapag mo, shaks, miss ko na yan

 gmirage said...

Hindi nawawala sa aming ang ginisang munggo sa loob ng isang buwan kasi mayaman ito sa iron na kailangan ng aking anak. Happy LP!

-www.gmirage.com

Enchie said...

Yehey Jes! sana matikman namin. Ang importante nag-enjoy ka. Luto lang ng luto!