Thursday, May 21, 2009

LP : Payak na Hapunan

Magandang Huwebest mga ka-LP!! Ako'y narito't humahabol sa ating tema ngyung lingo - PAYAK! Masyado lamang akong madaming inaasikaso at kahit wala akongmatinong kamera ngayun, hindi ko palalampasin ang LP =)

NArito po ang aking lahok....



Ang aking payak na niluto ngyung araw na ito...pritong isdang galunggong, pritong hotdog para sa mga tsikiting ko at pritong talong na me sawsawang toyo-mansi. Hmm...hindi po agahan yan...hapunan po yan! Malamang nagtataka kayu bakit puro prito....sapagkat yan lamang po ang aking naisipang lutuin ngayung gabing ito para sa aking mahal na asawa. MAgluluto sana ako ng Ginataang Langka ngunit wala ankong makita sa palengke =( Kaya eto na lmanag ang aking niluto. Paborito naman nya ang galungong at ayaw nya ng malalaking galungong kundi maliliit lamang. Ngyun lamang po ako ulit nag luto napagkat meron po kameng kasama sa bahay na siya po talagang nagluluto para sa amin. Wala po sya ngyun, nagbakasyon, kaya ako po ang naatasang mag luto. Bukas ay magluluto ako ng mongo para sa tanghalian at sa hapunan... iniisip ko pa hehehehe. Salamat ke Mommy Enchie ng From My Kitchen and Beyond sa pagbibigay ng tips sa pagluluto.

Maligayang LP sa inyung lahat!!!

7 comments:

silentprincess said...

sarap naman..ako rin mahilig sa pritong galunggong na maliliit.. Happy LP!

Yami said...

masipag ka palang magluto, Jes. In fairness, ang sarap ng inihanda mo, paborito ko.. :)

H2OBaby said...

My peyborit... pritong talong! Pero mas peyborit ko with bagoong from Malabon! Yum!

Buge
Litratong Pinoy: Lahat Ay Payak

Anonymous said...

nalimutan ko na kung gaano kasarap ang inihaw na talong na isinawsaw sa toyo. ang sarap ng litrato!

Mahalia
http://chocolateword.net/2009/05/payak/

Marites said...

masarap yan! lalong masarap pag kinamay:) maligayang LP!

Enchie said...

uy ang sarap...lalo na kapag umuulan at nagkakamay

-mopher- said...

Hmmmm...sarap naman! Ako din mahilig sa hotdogs eh..hahahah