Monday, December 22, 2008

LP : Karoling


Ang mga batang nangangaroling.

Namasyal kame sa bahay ng aking tiyuhing Pastor para dalawin ang kanyang 3 buwang sanggol na anak....pauwi na kame ng may mangaroling sa kanilang tahanan.
It ang mga batang tila hindi pinlano ang pangangaroling...tila ang kanilang mga suot ay kaninang umaga pa at nagka yayaan lamang na mangaroling upang magkaron ng pera sa darating na pasko. Nakakatuwa din minsan na may nangangaroling sa inyong tahanan, at ang pagbibigay ng konting barya sa kanila ay saydang nagpapasaya na din sa kanila. Ang tradisyong ito ay sadyang di matitinag kahit kelan, kahit pa gaan kahirap ang buhay, may mga tao pa din namang sadyang bukal sa kanilang puso ang pamimigay ng kaunting barya.

1 comment:

Chris said...

merry christmas jes! :D