Thursday, April 16, 2009

LP : Hardin

Ang aming tirahan sa kasalukuyan ay walang gaanung malawak na hardin, meron lamang syang mga halamang nasa paso na nagbibigay ng malamig na hangin kapag kami ay nasa terrace. Hindi ko nga lang makunan ang mga ito sapagkatnaron ang lahat ngkalat na laruan nga king mga anak kaya naisip kong ilahok ang larawang ito....


Kuha ko ito noong nakaraang kapaskuhan, madalas naming ipagdiwang ang kapaskuhan sa tandang sora kung saan nakatira ang pamilya ng tiyahin ng aking asawa. Masaya mamasyal kapag gabi doon sapagkat pagandahan ng hardin ang mga ato...ang kanilang mga halaman ay punong puno ng ilaw at palamuti. Napakagandang tanawin sa gabi.
Maligayang LP sa inyong lahat! =)

4 comments:

Anonymous said...

Nakakatuwang tignan ang mga hardin kapag kapaskuhan.. talagang kumukuti-kutitap!

Ang aking Hardin ay nakapost na rin dito, ang sa aking kapatid naman ay nakapost dito. Isang magandang araw sa iyo, ka-litratista!

Enchie said...

ang liwanag! isa sa mga nagpapa excite sa akin tuwing pasko, ay mag lagay ng ilaw sa tirahan namin sa hometown ko. And saya makita na maliwanag ang mga bahay.

SASSY MOM said...

Kakatuwa ang mga kumukutitap na ilaw pag pasko. Gandang Huwebes!

agent112778 said...

ang liwanag naman jan, kumukutikutitap

sana maibigan nyo rin ang aking lahokmagandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)